Panandaliang Pahinga

"Natapos na ang lahat. Nandito pa rin ako.
Heto't nakatulala sa mundo, sa mundo..."
                                         - 'Kung Wala Ka', Hale

Tapos na? Tapos na ba talaga? Tapos na nga! 

Kahit mahirap paniwalaan, kahapon nga ay tuluyan nang nagwakas ang aming unang semestre sa LU III (1st Year-MedProper). Yey! Sembreak na! Dalawang linggo na walang kailangang basahin na trans, intindihin na mga sakit at bahagi ng katawan, at kabisaduhin na sari-saring mga detalye. Haaay. Ieenjoy ko ‘to ng sobra! :)

Kahit mahirap, naging napakasaya naman ng semestreng nagdaan. Marami akong naging bagong kaibigan at unti-unti na ngang nabuo ang aking pagmamahal para sa aking klase. 2017, reign supreme talaga! Nakita ko ang pagmamalasakit, ang pagtutulungan, ang pakikisama ng 160 na mga taong magsasama-sama sa loob ng limang taon o mahigit pa… Masaya talaga. Sa harap ng ubod ng dami ng eksam, trans at makakapal na libro, mukhang magagawa naming lagpasan ang lahat basta’t magkakasama.

Isang malaking leksyon sa pagpapakumbaba ang MedSchool. Dito ka nga matututo na maging masaya sa simpleng pagpasa. Mawawalan ng saysay sa iyo ang kung ano mang grado. Basta’t ang mahalaga ay pumasa ka at matapos na. Kung kailan lang ay sobrang naunawaan ko ang kahalagahan ng isang puntos. Yung one point na ‘yun na dapat ay nagpa-exempt sa akin sa OS 201 finals. Sayang. Pero wala kang magagawa kung hindi basta na lang sumunod sa kung anong magiging takbo ng mga pangyayari. Minsan lang nga ay parang nagiging isang malaking pagsubok sa iyong self-esteem ang mga kaklase mong sobrang talino. Parang ‘di na kasi talaga patas ang mundo. Pero nasa UP ka nga kasi. Magagaling talaga ang makakasama mo. At sa totoo lang, sa katapusan ng araw, mauunawaan mo kung bakit gan’un ang nangyari. Effort pa ang kailangan. At ang pag-aaral na ginawa ay mukhang ‘di naman talaga pag-aaral kundi kunwaring pagbabasa at mas matagal na pamamalagi sa mundo ng cyberspace. Haha. Ayan. Karma.

Pero, ang tapos ay tapos na nga; ang nakaraan ay nakaraan na nga. Unang semestre pa lang naman ng unang taon. May mga pagkakataon pang bumawi. Sa ngayon, ienjoy na nga lang ang sembreak! Yeeeey~!

Nakakatawa nga lang isipin na ngayon at dumating na ang araw na pinakahihintay, aba’y hindi ko naman alam ang unang dapat gawin. Marami akong libro (non-academic, take note!) na gustong basahin, palabas at pelikulang gustong panuorin, laro na gustong laruin, lugar na gustong puntahan, at mga tao na gustong makita. Haaay. Sana lang ay maging sapat ang dalawang linggo. :)

Lubusin ang panandaliang pahinga! Dahil pag sapit ng ika -5 Nobyembre, aba’y simula nanaman ng bagong hamon.

Advertisements

One thought on “Panandaliang Pahinga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s