Ulan, Kulog at Baha

Kahapon, ika-6 ng Agosto, habang nasa BSLR-E ng Kolehiyo ng Medisina sa UP, sa kalagitnaan ng leksyon, bigla na lang kaming nagulat sa narinig na buhos ng ulan. Malakas, tapos biglang hihinto. Pero, bubuhos ding muli. Nagsimula na ngang tumulo ang tubig mula sa butas-butas nang dingding ng aming silid-aralan.

"As of 3:34 PM, classes are suspended. Office work go on 
as usual." - Office of the UP Manila Chancellor

Huli na nang makarating ang balita ng suspensyon sa amin, pero kasi, dahil nandoon na rin naman, tinapos na namin ang klase hanggang 5PM. At pagkalabas ng BSLR-E, aba’y. Ayan na nga ang ulan. Isang pagkakamali ang manatili pa roon sa lugar ng Med Stones para “pahintuin ang ulan” kasi wala naman talaga itong balak na huminto. Bagkus, lalo pa itong lumakas. At nagbaha na rin doon sa loob ng aming campus.

Naputol ang aming miting sa PAGSAMA at kasabay ng ilang fellow PAGSAMA-apps na iMed 2018, sinugod namin ang malakas na ulan at hangin at maging ang bahang nagsisimula nang mag-ipon sa Pedro Gil St. para makatawid papuntang University Tower. Grabe. Isang tawid na nga lang ‘yon. Pa’no pa kaya yung malayo pa ang lalakarin?

Pagkatapos bumili ng pang-hapunan sa Jollibee, umakyat na ako ng unit. Basang-basa ang puti kong pantalon. Nilaban ko ng mabilis at hinugasan din ang aking mga paa na nababad sa baha. Lalo pang lumakas ang ulan…

UP Manila @UPManilaOnline (Twitter)
(Aug 6) As of 10:10 pm: Due to red warning signal, classes & 
office work at UP Manila are suspended tom,Aug 7.

At sinuspinde na nga ang klase para sa araw na ‘to, kagabi pa lang. At grabe nga. Mula pa kaninang umaga, walang tigil ang ulan. Paminsan-minsan man ay hihina, pero maya-maya’y biglang buhos nanaman ng matindi. Baha na sa napakaraming lugar dito sa bansa. Napakaraming tao na ang lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan. Nakakatakot ang pagkulog at maging ang hitsura pa lang ng kalangitan na parang hindi puwedeng pasukin ng liwanag.

Panay ang tawagan namin nila Mommy. Habang nandoon silang lahat sa Q.C., ay mag-isa naman ako rito sa Maynila. Dapat sumabay ako kay Mommy pauwi kahapon! Bumaba raw ako at bumili uli sa Jollibee ng makakain, pero natatakot ako. Baka kasi abutin pa ako ng blackout sa baba (o mas mahirap pa, sa loob ng elevator!). May mga delata pa naman dito sa unit.

Proud ako sa UPCM Class of 2017 na handang magtulungan sa gitna ng trahedyang ito. Halos lahat ng tao ay nag-alok na ng tulong – pagkain, tubig, matutuluyan. Mabuhay! 2017, rain supreme! Ay mali. Reign supreme pala! :)

Mag-dasal po tayo para sa kaligtasan ng bawat isa.

Panginoon, nawa’y gabayan Niyo po ang bawat Pilipinong humaharap sa pagsubok na ito. Huwag Niyo po kaming pababayaan – kami, ang aming mga mahal sa buhay, ang aming mga pamilya, ang aming mga kaibigan. Patatagin Niyo po ang aming mga loob na sa tulong Mo ay magagawa naming lagpasan ang kahit ano. Dahil sa pamamagitan Mo, magkakaroon muli ang liwanag. Amen.

Kapapasok na balita:

UP Manila @UPManilaOnline
(Aug 6) As of 10:10 pm: Due to red warning signal, classes & 
office work at UP Manila are suspended tom,Aug 7.

Ingat po sa lahat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s