Ulan

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
                                            - 'Ulan', Cueshe

Sa tipikal na mga estudyante, tuwa ang dulot ng pagsuspinde ng klase – dagdag pagkakataon para magrelaks, manatili sa bahay, matulog at i-enjoy ang sarap ng kumot, unan, at kama.

Pero, hindi na ganyan kapag estudyante ka sa ilalim ng Kolehiyo ng Medisina. Kapag nasuspende ang klase, ibig sabihin self-study na lahat. Ibig sabihin, maghahabol kayo sa dissection. Ibig sabihin, bahala ka mangapa para sa sarili mo hanggang sa ayun. Game. Eksam na!

Kaninang umaga ay nagising – sabi ko nagising pero parang ‘di rin naman ako natulog sa tindi ng puyatan para lang makapag-cram kagabi at kaninang madaling araw – ako sa lamig ng ihip ng hangin. Kagabi pa ‘yan sa totoo lang. At nakakatakot ang lakas niya na parang handang-handa ka nang tangayin sa kung saang lupalop! Namamaga pa ang mga mata ko dahil nga sa puyat, pero nagmadali nang maghanda. Eksam nga kasi. OS 201 – Biochem, game na.

O game na nga ba? Pagdating sa PazMen, aba. Ang dilim. Blackout! Paano ba naman kami mageeksam ng ganito? Candlelight? O Biochem, how romantic! Sa huli ay pinalipat kami sa Buenafe Auditorium at doon nga nag-eksam. Natagalan din bago kami nakapagsimula dahil hinintay pa sina Doc Tammy na mukhang haggard na haggard (in a comedic sort of way) sa pagpasok. “Post-apocalyptic” ang term niya para sa nangyari. At sa gitna nga ng aming pagsusulit, rinig na rinig ang biglang malakas na pagbuhos ng ulan. Nawala ako sa mundo ng mga protein, carbohydrate at lipid sandali at napa-isip, “Oh no. WALA AKONG PAYONG.”

Mataas ang passing nitong eksam na ‘to dahil sabi nila’y madali lang naman. Pero habang kumukuha ay unti-unti kong nawari na hindi naman madali ang ipinagpapalagay! “Kung madali na ‘to, paano pa kaya yung mahirap?!” Haaaay. UP Med nga naman…

Isang balita ang aming natanggap matapos ang eksam – suspended na ang klase! At ok lang ‘to, kasi Miyerkules naman, puro IDC lang ang mamimiss, keri pa mag-make up. Nakarating pa kami ng RobMan nina Aila, Anna, at Marz para mag-tanghalian sa KXP at doon na nga humataw ng todo itong ulan at hangin. WAW. Nagpahintay tuloy ako kay Mommy para maka-uwi. Mahirap na kung magblackout sa UT eh. Katakot. ‘Di ko kaya mag-isa!

Haaay ulan. Magkasundo naman sana tayo.

Sa ibang balita, Agosto na! Buwan ng Pambansang Wika!  Mabuhay ang Wikang Filipino! :)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s