Flight OS 203

Nung nakaraang mga taon, gumagawa ako ng mga sarili kong compilation ng mga notes galing sa lecture, libro, at kung saan pa mang mga resource: ang ‘Notes from the Angel’. Ang mga kaklase kong minsan nang nagpa-photocopy ng aking notes, marahil ay napansin ang natatanging header na ito.

Ngayon, sa pagpasok sa MedProper, pinalitan ko na si ‘Notes from the Angel’. ‘Wag magkakamali! Gumagawa pa rin naman ako ng notes compilation, pero ang tawag na ngayon – ‘Flights’. Yep. Ito’y matapos mapansin ang aming mga napakagandang mga course title, tulad na lang ng paksa ng entri na ito: OS 203, o kilala rin bilang Skin, Muscles, and Bones module.

Nagsusulat ako ngayon dahil kinakailangan ko munang iclear ang aking utak bago sumabak muli sa pag-aaral – eksam bukas sa upper extremities.

Sa mga naging leksyon namin so far, masasabi kong higit ko pang napapahalagahan ang galing at ganda ng ating katawang tao. Talagang napakagaling ng Banal na Lumikha. Kung paanong kay raming mga istraktura ang gumagalaw at nagtutulungan para lang magawa natin ang mga simpleng bagay. Kung paanong mismong ang katawan na rin mismo ang kikilos para sa sarili nitong proteksyon at panlaban sa kapahamakan. Kung paanong perpektong-perpekto ang sukat at hugis ng isang parte upang mabuo ang malaking larawan. Amazing. Beautiful. 

Sa paglalakbay na ito sa OS 203 (o ha? *classic Doc Bundoc accent* okei talaga ‘tong bago kong title eh! Flights! ), hindi ko siguro lubos na mauunawaan ang mga bagay-bagay kung hindi dahil sa tatlong assistant pilots (s’yempre, ang head pilot ay walang iba kung hindi Siya!):

  • Dr. Pipo Bundoc – isa sa mga kakaunting prof na hindi gumagamit ng masyadong salita sa kaniyang mga Powerpoint presentation! super effort sa mga props, pati editing ng Netter photos at kung ano pang mga video, with matching comedy act, the best talaga! and he really knows how to end with a bang, if you know what i mean! ;)
  • Dr. Leslie Reyes – simple and structured. ok rin ang mga naging lecture nya, plus i appreciate his patience with us in the cadaver lab, kahit sobra-sobra na talaga sa pangungulit at pagtatanong. :)
  • our true teachers, Edgar M. and Co. -kayo’y laging nasa aking mga panalangin at nasa inyo ang aking pasasalamat.

Malapit na matapos ang unang bahagi ng Lipad OS 203!

At kailangan ko na ngang magsimulang mag-aral uli… :) Kaya ‘to! Lipad!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s