Hinaing (Tatlong Tula)

I. Maghintay

Dahil ngayon na nga ang panahon, hindi ko na palalagpasin.

Tulad nga ng sabi nila, minsan lang ito darating.

Nariyan na, nandiyan – ang pagkakataong akin.

Sa dako riyan, nakikita mo pa ba ako?

Unti-unti nang napapalapit sa layo na iyong narating.

Ang pangakong ginawa ay sisikapin na tupdin.

Hiling lang na sa pagdating, ika’y naghihintay para sa’kin.

 

II. Umawit

Kung ang tinig mo’y muling maririnig,

Anong saya! Anong tuwa!

Nang lumisan ka’y kaagad nangulila

Tuwing nagbabaliktanaw, lalong nalulungkot

At lalo kang hinahanap sa mundong hindi na iyo.

 

III. Sumagot

Tama ba ang iniisip?

Ako’y hindi sigurado.

Nakita, narinig, nahawakan – totoo ba?

O waring sa kathang-isp lamang?

Noon man o ngayon, walang alam

Ganiyan din marahil kinabukasan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s