1 Araw, 24 Oras

Bakit nga ba 24 oras lang ang mayroon sa isang araw? Haay. Sa sobrang dami ng kailangan at gustong gawin, parang ‘di na kailanman naging sapat ang panahon para magawa ang lahat.

Katatapos lang ng isang napakasiksik na araw – at hindi pa ‘to tapos ha; kailangan ko pa mag-aral! – na punong-puno ng mga kaganapan. Unang sabak sa aming anatomy teacher/mentor – the cadaver. Totoo nga – ‘Mortui vivos docenti’ = The dead teaches the living. Nagkaroon kami ng espesyal na seremonya para sa kanila, pagbabasbas at dasal, bago kami nagsimula sa skinning. Matindi ang formalin. Matindi talaga. Nung una ay parang wala lang, pero nang magtagal ay unti-unti nang sumakit ang aking mga mata. At hindi rin pala biro ang matagalang paghawak ng mga instrumento – sumakit din ang mga daliri ko. Pero sa huli, ok naman. Go Anatomy Group 9! Tulad nga ng sabi ni Doc Pipo, “Splendid job. 1.25!” Next time, let’s make it a flat uno? :> Haha.

Pagkatapos ay party time. Araw ba ngayon ng mga patay? Haha. Ang ‘Death by Chocolate’ party namin sa UP Medics ay naging siksik sa sarap! Maraming salamat sa lahat ng pumunta at binabati ko ang mga nagwagi sa Code Blue, lalong higit sa mga champion: Kuya Vincen Yu para sa English Division at SGD groupmate, Sha Estrella para sa Filipino Division. :) In fairness, konti kati lang naman ang inabot ko sa tsokolateng nakain ko ;)

AT, kamatayan nga siguro ang hanap, diretso naman sa UP Medrhythmics Open Training. Wow. Wow lang talaga. :) Fun naman sumayaw, pero may something kasi sa mga sayaw na hindi ganung sumusunod sa beat na nakaka-ewan sa’kin. Pero, awesome pa rin! ‘Rolling in the deeeeeep’… Dahil sa rush ng energy kakasayaw, para akong gising na gising. Medyo masakit ang ilang bahagi ng katawan, pero keri naman.

Ang mga pangyayari ng araw na ito ay nagpapa-isip sa akin. Ayun nga. Parang wala akong oras para sa lahat ng bagay. – Sa totoo lang ay pinilit ko lang ang sarili kong isulat ang entri na ito para lang malinawan ang isip bago mag-aral. Shiz. Wala pa akong alam! – Kailangan na talaga ayusin ang mga plano dahil kung ipilit pagkasyahin lahat, malamang sa malamang, may mangyayaring masama.

Kaya naman, kailangan nang magdesisyon ng dapat pahalagahan. Kung ano dapat talaga ang mga daang tatahakin, kung ano ang mga kayang tahakin.

Isip-isip, Angeli, at baka madale ka ng ‘di oras….

Sapagkat, 24 oras lang talaga ang meron sa 1 araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s