Sa Pagsisimula ng Buhay Medisina

Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na lumipas na ang unang dalawang linggo ng LUIII! Masaya, naging napakasaya naman! :) Maraming nakilalang mga bagong kaibigan – at muling nakasama ang aking pinakamamahal na iMed 2017 – at ngayon pa lang ay unti-unti nang napapamahal sa akin ang aming munting klase. Ang mga sumusunod ang bubuod sa aking mga naging karanasan sa mga nakaraang araw – sa pagsisimula ng Buhay Medisina!

  • IDC 202: Matapos pagdaanan ang IDC 101 at IDC 201 nung MedImproper days namin – LUI at LUII kumbaga, hindi na ako dayuhan sa nangyayri sa IDC. Katunayan, parang naulit lang ang ilan sa mga aktibidad. Ang masaya nga lang, iba na ang aking IDC groupmates – pagkakataon para makilala ang ilan sa mga taong makakasama ko sa susunod na limang taon o higit pa na siya ring magiging mga bagong kaibigan! Masaya ang aming naging SGD session kasama ang aming facilitator na si Dra. Meg mula sa Dept. of Psychiatry – at in fairness ah, dahil nga psychiatrist siya, todo probing at questioning talaga! =)) Pero kahit ganun, nagawa pa rin naming matapos ang lahat ng kailangang gawin ng maaga-aga. Tapos na ang unang modyul! Nag-tanghalian kaming magkakasama sa Wendy’s sa dakilang UPM Extension (a.k.a. Rob Manila) para sa karagdagang bonding at getting-to-know sessions. Yey~! Isang espesyal na pagbati sa aking IDC groupmates: Kyle, Lorenzo, Yna, Cecile, Marvin, Reg, Sha, Gienah, at AJ (da best textpasser! woooh!). Let’s all work towards earning our butterfly wings~! Hahaha!

  • Buddy Night: Malas ‘ata talaga ako pagdating sa mga ganitong klase ng kaganapan. Tatlong beses nang nagkakataon na masama ang pakiramdam ko. Woooh. Eniwei, ok naman. :) Isa nanamang pagkakataon para makakilala ng mga tao~ Woooh! Shoutout sa aking da bes 2016 buddy, Ate Billy~! Salamat sa lahat! Buddy line get-together soon!

  • MedNight 2012 – Legacy: Bilang kasapi ng MSC35 Internal Affairs, kasama ako sa mga nagasikaso sa welcoming event na ito. Sa kasamaang palad, dahil nga sa sama ng pakiramdam ko, hindi na ako nakatulong sa umaga. Sa gabi na mismo ako tumulong – ako ang humawak sa Registration Table. Woooh~! Nakakilala rin ako ng ilan sa mga iMed 2019 – ay grabe. pakiramdam ko tuloy na ang tanda ko na. may grandbuddy na ako?! huwat?! =)) Kudos sa lahat ng miyembro ng IA~! Congrats sa atin!

  • HS 201: Kung may IDC, may FCH pa rin – well, parang ganun. Ang HS 201 ay tungkol sa Health Care System dito sa Pilipinas – kaya, yah. Parang FCH nga =)) May ilan ding umulit na mga lecture pero ok lang naman. :) Nagenjoy ako sa ilang talk, ang pinakakakaiba siguro ay ang kay Dra. Lanie (reunion! isa siya sa naging IDC facilitators namin nung LUI~ da best! napaka-bubbly pa rin niya as ever!) at yung kay Dr. Galvez-Tan (kahit super nagovertime siya, ok pa rin naman! nakakaaliw siya!). SGDs galore – mabuhay ka, Dr. Gene Nisperos! Salamat sa isang masaya pero makabuluhang paguusap na naging napaka-stimulating at thought-provoking! Exam na next week! At may paper pa pala na ipapasa (kailangan na tapusin ‘tong blog entri na ito, hahaha~)

  • Org Welcoming Events Galore: Alam niyo naman ako, gaiz. Hindi ako tumatanggi sa libre! :> Kaya naman, bonggang punta na ako! Hahaha~ MSS Sushi Party, PAGSAMA Milk Tea Party, Mu Fiesta at the Hut, Meridian Siomai Party, MSSR Cantoonan Party~ Marami pang susunod! Woooh~!

  • Paz Y Ente: Ang aking bonggang less than 5 minutes experience sa aming health center =)) Bilang buod: Walang Pila. Walang Doktor. Walang Check-Up. “Family planning lang po ang meron ngayon…” Haaay. =))

Kung nung iMed days, tila parang ang layo-layong pangarap nitong MedProper – aba’y ngayon ay nabibilisan naman ako sa mga pangyayari. May eksam na sa susunod na linggo. Nakatira na ako sa condo na mag-isa. May nameplate na at may transbox na rin akong sarili, at sa ilang araw pa’y magsusuot na rin ako ng puti. Ito na talaga! 

Tanaw ko sa susunod na limang taon ang saya, lungkot, inis, galit, tuwa, at lahat pa ng maaaring ibigay na karanasan ng Buhay Medisina para sa amin ng Klase ng 2017. Basta’t magkakasama, siguradong malayo ang mararating!

Mabuhay 2017! *insert class cheer* 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s