Pasko

Ika-24 na ng Disyembre! Sa ilang sandali, Paskong-Pasko na talaga! Noche Buena na mamaya! :) 

Habang ang pagkain, pinaghandaan ng lubos, ay inilalagay sa lamesa,

Kay raming plato, mangkok, at tasa, lahat puno ng sari-saring handa:

Ang paboritong hamon, pancit, lechon, at queso-de-bola,

Sana lamang ay hindi makalimot habang nakikisalo sa saya.

Sa kabila ng punong nilagyan ng kumikinang na palamuti

Na sa ilalim ay pinuno naman ng mga regalong mumunti,

Sa likod ng mga sobreng aguinaldong pinakahihintay,

At ng mga awiting pilit binibirit nang buong makakaya,

Nawa’y manatili ang diwa ng okasyong ipinaghahanda.

Bukod sa mga materyal na regalong natatanggap,

Tayong lahat ay tunay na binibiyayaan.

Kaniyang pagsilang, kaniyang pagdating sa ating mundo,

Kaniyang pagbaba upang sa atin ay makisalo.

Dahil kahit hindi tayo nararapat, Kaniya tayong tinanggap,

Kaniyang pinatuloy sa Kaniyang mahigpit na yakap.

Pagmamahal ng Diyos, damhin at ipadama,

Sapagkat ngayong araw ng Pasko, tayo’y tunay na pinagpala.

Sa inyong lahat, isang pagbati ng maligayang Pasko! :)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s