Muling Pagkikita

Mensahe: Ang tula na ito ay isinulat noong Nobyembre 18 ng nakaraang taon at kasama sa sanctuary Vol. 7 (Angeli Dumatol’s Journal)

Ilang buwan na ba ang nakalipas?

O nakaraan na ba ang isang taon?

Sa patuloy na pagtakbo ng mga araw,

Kailan ba tayo magkikita muli?

Mga tanong na walang humpay ang pag-ikot sa isipan,

Nawa’y mabigyan na ng mga kasagutan.

 

Marahil ay kaya pa nating magtiis.

Patawad. Hindi lamang ikaw ang nahihirapan.

Maging ako ay may sakit na nararamdaman,

Puno ng kalungkutan, buhat ng pag-iisa.

Kailangang maghintay. Kailangang unawain.

Darating din ang oras para sa atin.

 

Walang nangyayari na hindi nakatakda.

Itong mga nararanasan, mayroong kahulugan.

Pagtitiwala ang aking ibibigay,

Pagmamahal ang aking ilalaan.

Sapagkat sa ating muling pagkikita,

Ako lubusang umaasa,

At buong pusong naniniwala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s